Aminin, karamihan sa atin eh sobrang namimis nang pumasok sa school. Oo pasok lang walang kasamang aral. Masaya kasi pumasok sa school kasi nandoon lahat ng, oo, mga kalokohan. Kaya inipon ko ang mga salitang ito na naging lengwahe namin noong college.
- Bekla- obvious bang ang meaning eh bakla
- Dorobo- pang-gagantso sa kapwa (lalo na sa pamasahe)
- Half-virgin- ****** hahaha*****
- Hipon- isang babaeng maganda ang katawan pero maari nang ipagsawalang bahala ang mukha
- Carni/ Carni Norti- complete package; maganda na, sexy pa... karaniwang maririnig mo syempre sa mga kalalakihan
- Chizmiz- pwedeng literal din ang meaning; pwede ring may mali sa katauhan mo
- Critical hour- applicable sa mga may night duty; darating ang pakiramdam na hindi mo talagang kayang labanan (ang mahiwagang ANTOK)
- Pektus- pag pinagalitan ka lalo na ng CI mo sa duty; maituturing din kodigo sa exam
- Palung-palo- nuknukan ng kadunungan
- SOCO- karaniwang sinasabi pag nahuhli ka sa kahit anong akto/eksena
- Sugal-literal ang ibig sabihin; kadalasang isinisigaw kapag wala pa ang prof; Lucky 9 ang mabentang laro kaso may mga kalahok na kailangan pa munang sumailalim sa MATH ENRICHMENT; dito rin nagkakaubusan ng yaman ang mga kasali
- Toxiiiiiicccccc- pag nagsisipag-sipagan ka sa duty; may naalala naman ako!!!
At sino ang hindi makaka-alala sa mga ito:
- Sister Musang
- Eagle Man
- Tambalang Andy at Arthur
- Love team ni Chynna at Riley
- grupo ng Teletubbies
- grupo din mga BULOK NA KAMATIS
- Power Gays
- Chris Tiu-Per
- Baby James
- Sam Milby
Alam ko marami akong nakalimutan sa mag ito. Ilan lang kasi ito sa mga naalala ko pa hanggang ngayon. Kayo na po ang bahalang magpaalam sa akin kung meron pa kayong alam. Kaya hindi ko muna tatapusin ito nang ganito lang kasi marami pang susunod. :)