Wednesday, October 28, 2009

Ganoon ba talaga kalupit ang buhay???

Nalulungkot ako tuwing nakikita ko ang aking ama na  nagtatrabaho pa rin hanggang ngayon. Nalulungkot din ako tuwing nakikita ko ang aking ina ay hindi pa rin lubos na nakakapagpahinga sa mga gawain na dapat ay hindi na nya ginagawa sa mga panahon na ito. Nakakalungkot lang talagang isipin na nahihirapan pa rin sila hanggang ngayon. Sa kabila ng kanilang edad na dapat nagpapahinga na eh kumakayod pa rin para sa aming magkapatid. At ang pinaka nakakalungkot sa lahat ay ang katotohonang hindi ko pa rin sila matulungan sa kahit ako'y nakatapos na sa aking pag-aaral. 


Tila ganoon nalang ang ilap ng kaparalan sa akin. Gustuhin ko mang makapagtrabaho na at makatulong na, hindi ko pa rin magawa. Dahil sa tuwing naghahanap ako, lagi nalang kabiguan ang aking natatamo. Sa isang buong araw na paglilibot, ni isa wala man lang nagbigay ng pagkakataon. Higit isang taon na akong naghahanap. Ewan ko ba parang kusa nalang itong lumalayo sa akin. Kung susumahin ko ang lahat ng aking ginastos sa paghahanap, tiyak kong malaki-laki na iyon. Isama mo pa ang pagod at gutom na inaabot ko tuwing nasa labas ako. Tanging kendi na lamang ang aking pantawid gutom para lamang makatipid dahil hindi naman araw-araw ay kaya akong bigyan ng perang panustos sa paghahanap ng trabaho. Hirap kung hirap, literal at emosyonal. Ilang luha na rin ang aking naiyak tuwing nawawalan ako ng pag-asa.


Nakaksakit sa damdamin tuwing pinagtatalunan ang tungkol sa pera. Mga utang na kailangang bayaran, pambayad sa kung anu-anong bagay, gastusin sa araw-araw at marami pang iba.Isabay pa dyan ang paninisi sakin dahil sa mga bagay na aking nagawa sa nakaraan na hindi ko naman sinasadyang mangyari. Minsan gusto ko nalang na maglaho ng kusa upang wala na akong marinig na kahit na ano. Ngunit hindi pwede. Tao lang tayo at kailangan natin maranasan lahat nang iyon.

Kaya ang tanong ko, ganoon nalang ba kalupit ang buhay?



Pero sabi ni Ming-Ming heto lang daw ang sagot sa tanong ko:











No comments:

Post a Comment